was successfully added to your cart.

527755_532311740140743_159482328_n

Last March 23-24 2013 sumali ako sa isang MC event “24 hour Extreme Endurance Run Challenge”

@1600h March 23, 2013 papunta na ako sa Assembly sa Petron Diego Silang Taguig. Pero sa Bocaue pa lang tinetesting na ako ng panahon biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napilitan akong huminto muna sa 7/11 sa kanto ng Bocaue na madalas kong pag hintayan kapag North ang sched ng ride

SAM_6903

Pag hina ng ulan umalis na ako agad kahit umaambon pa para makarating on time sa PDS,parang coke lang ang dating ko sakto 1800h,medyo nadagdagan lang ng ilang minuto kasi pag dating ko nag pa full tank agad ako mahaba ang pila kaya natagalan din.

SAM_6904

Habang nag hihintay ako ng mga organizers at mga participants, kumain muna ako at nagkarga ng fluids sa katawan,tamang tama lang pagka tapos ko manginain,nandoon na si LoloyD isa sa mga organizers at siya din mag bibigay ng pass port ko na naka log ang start ng odo reading ng MC ko, ribbon para ma identify na participants at sticker na gagamitin sa pag picture sa mga check points.

14170_10151298622332713_1628288943_n

Pagka tapos ko pumirma sa waiver at sa registration medyo pasyal pasyal muna,akala ko walang darating na taga HFRC,pero nagulat ako biglang dumating si BIMBI at WILLOW may kasama pang magiging myembro na SS din tiyak.

SAM_6909

Mga ilang minuto lang nag datingan na rin sila REAL RACER, LIONHEART at si VINCENT,si Vince hindi na nakodakan nasa bag ko na kasi yong digicam na gagamitin ko pang picture ko sa mga CP (check points)

SAM_6910

Nakita rin namin si PAO, sumuporta din siya sa kabilang Club niya na marunong rumespeto ng kapwa rider hindi katulad ni MELVIN na SINASADYA manalsik

SAM_6908

15 minutes before mag send off, pina pwesto na kami. Exactly 2200h send off na,kanya kanya ng diskarte along C5-EDSA-Valenzuela-Bulacan-Pampanga-Tarlac-Pangasinan.

@0115h nasa CP#1 ako picture with sticker and tarpaulin sa Petron Carmen, Rosales Pang.

SAM_6912

Pagka picture gear up na agad ako para pumunta ng cp#2,pero hindi ko makakalimutan ang daan na ito,dahil dito kami nag long cut pauwi sa pangunguna ni MELVIN a.k.a. boyhangin,na kung saan gunulong nanaman ako at pinag tawanan nila BAKLANG BRIAN, ANJHUDICA, COY at team OS.

Binabay-bay na naming ang Umingan palabas ng San Jose, Nueva Ecija-Sta.Fe,nag pa gas yung 3 kong kasabay na Wave 125 hindi ko sila kilala pero nagsabay na lang kami mga 15 mins break din kami, tsaka kami umalis na ulit at tinahak ang Aritao, Bambang,Bayonbong, Solano,sa Bagabag kasabay namin si Julius Manuel isa sa mga Organizers at isang naka mio di ko na rin natandaan name nya,pag dating ng Lagawe nag gas si Julius nauna na yung tatlo kong nakasabay na naka 125 nag gas na rin ako para sure nag loloko kasi gauge ko.

@0551h dun kami nag abot-abot mga ilang riders CP#2 Banaue Welcome Arc

SAM_6915

Pagka picture alis na rin kami agad,pag lagpas ng Mt. Polis hindi namin napigil na hindi huminto sa magandang scenery doon, pang apat na akyat ko na ng Sagada ito pero ko pa lang nakita ang ganito kaganda na parang dagat na ulap na napapaligiran ng bundok,sa ibaba niyan ang bayan ng Bontoc.

SAM_6920

Pagka picture diyan, nagpaalam na ako sa mga kasama ko na mauna na ako kasi mabagal lang ako at hirap ako makasunod sa kanila sa mga kurbada at tiyak naman sabi ko aabutan nila ako.

@0731h nasa CP#3 na ako Sagada stone Marker

SAM_6922

@0851h CP#4 Buguias,Abatan-Mankayan junction,dito ko naman inabutan si Well Garcia naka scoot din siya,pero pinauna na niya ako papuntang Cervantes.

SAM_6924

@0940h CP#4 Cervantes intersection saglit lang at ito na rin si Well,siya nag picture sa akin at ako naman nag picture sa kanya nag picturan kaming dalawa. Yan yong scoot na gamit ni Well, nauna ulit ako umalis kasi may kinausap pa siyang chiks sa tindahan,BABAERO din parang sila LIONHEART, REAL RACER, MELVIN, COY, CLARK, CAROLL,BORITTO,IBANSEYMOUR & KEN PILAPIL din kaya sabi ko magkita na lang kami sa CP#5 sa Bessang Pass, di sila gumaya kay BIMBI sa ATTACHMENT lang mahilig.

SAM_6925

@1007h CP#5 BESSANG PASS NAT’L PARK

SAM_6928SAM_6929SAM_6926

Nag abot pa kami ni Well dito at dito ko lang nalaman yong Name niya,nagpa iwan na siya dito para mag lunch. Kaya nauna na ako umalis sa kanya,pero may nakita nananaman akong magandang view at naisip ko inggitin si COY

SAM_6932SAM_6930SAM_6931SAM_6933

Mag mula diyan at sa oras nay an wala ng hintuan, ito mga lugar na dinaanan ko Tagudin-Bangar-Bonaoan-Bacnotan Ilocos Sur – San Fernando – Bauang – Agoo – Sto. Tomas La Union,-San Fabian – Mangaldan – Dagupan – Lucao – Binmaley – Lingayen – Labrador pag dating ko ng Saul biglang buhos ng ulan mga bandang 1320h palipas muna saglit,pero hindi pa ako nakakalayo papuntang Alaminos nag zero visibility na sa lakas ng ulan kaya kailangan kong safety mga importante kong gamit tulad ng sticker, pass port, digicam. Kaya kahit malkas pa ang ulan desidido na akong magpaka basa.

@1354h CP#6 Petron Alaminos, dito may mga staff na nag lagay pa ng langis sa chain ni CBR, habang umiinom ako ng tubig, mga 10 mins break din ako dito, nameet ko si Alvin Pagbilao participants din naka GTS 250 hindi ko sure kung tama nga pero scooter type yan. Kwentuhan kami sandali, at nag decide siya na hndi na siya tutuloy kasi sa Tarlac lang siya uuwi, sabi niya sa akin “ikaw kailangan mo talaga ituloy yan kasi dun ka talaga papunta tsaka kaya mo yan ikaw yung nakita ko kanina na parang bala at yung tunog ng pipe mo hindi maikakaila,ingat na lang bro!” kaya alis na ako, pero mga 500 mters lang pala matindi sikat ng araw full throttle na 120-150kph na ako dito mula Alaminos – Mabini – mga light lang ang curve diyan at more on stretch kasi nadaanan ko yan nun X’mas trip kong kay bangis – Burgos – Dasol – Infanta – Sta. Cruz – Candelaria – Masinloc – Palauig – Iba – Botolan – Cabangan – San Felipe – San Narciso – San Marcelino – Castellejos – Subic – Subic Bay Free Port.

@1635 CP#7 Petron Subic Free port
Wala ng picture dito pero kailangan ng Gas receipt at kailangan mai log din ang odo reading ng MC.pagka log ko nag gas ako tsaka umalis na
papuntang CP#7 via Morong

@1741 CP#7 Petron Bagac

SAM_6938

As usual pagka picture at pagka gas alis na agad papuntang Finish line sa Taguig via Balanga – Hermosa- Dinalupihan Bataan,- Lubao – Guagua – Bacolor – San Fernando nag stop over muna ako para mag refresh at mag linis ng visor ng helmat ko dahil medyo Malabo na sa alikabok byahe nanaman Sto.Tomas – Apalit Pamp.- Calumpit – Malolos dito umuulan na pati sa mga bayan ng Guiguinto – Balagtas – Bocaue – sa Meycauyan walang ulang hanggang malanday, pero mula malita hanggang EDSA – Ortigas – C5 kalayaan fly over umuulan, pero pag lagpas ng fly over hanggang Taguig wala ng ulan. Official Time of Arrival ko 2104h

527755_532311740140743_159482328_n

1200++ km with in 23:04 hindi ko pa alam ilan ang official odo reading ko, nasa organizers pa pass port ko for validation.

Gas Cons: 40 liters

Dahil isa ako sa 7 naka pasok sa cut off na 24 hours, automatic na makakasali kami sa 2014 MOTORALLY

392811_626742154007864_1063461986_n

TIPS:
Sa mga nag babalak na sumali sa mga ganitong MC events, make sure na kakayanin ng katawan at motor niyo ang mga pabago bagong panahon, malamig mainit,aaraw uulan, mababasa matutuyo at mababasa ulit haba ng byahe tibay sa puyat at pagod, hindi biro-biro ang sumali sa ganitong event kaya dapat desidido ang bawat sasali ika nga “pag pinasok at pinutok mo, pag nabuo panindigan mo” este pag sinabi mo, panindigan mo!

Salamat nga pala sa moral support niyo, yung mga nag text message, nag post sa FB, lalong lalo na sa mga nagpunta noong pag alis at pati sa pag balik ko.

Sana sa susunod na mga event meron na akong ka tandem na mag dadala ng HONDA FORUMERS RIDERS CLUB !

LONG LIVE RIDERS! LONG LIVE HFRC!

Leave a Reply