was successfully added to your cart.

WP_000037 (2)

Eto po Ride Report ng Dingalan Rides last July 29,2012 [ Sunday]

0420 nasa 7/11 Bocaue na kaming apat nila Melvin,Brian,Demboy at ako para hintayin sila Real Racer at Salleh..

IMG_4216

Habang hinihintay namin yung dalawa,nagkwentuhan muna kami at nauwi sa pag-aaya ni Mevin na MAG BEERHOUSE muna kami,si Demboy pumayag agad na hindi naman dapat ipag taka talaga ng lahat.

Si Brian naman nandiri agad nung madinig yun,ako na lang ang hinihintay na pumayag,dahil nga ako ang ehemplo ng kabutihan hindi ako napapayag..

Sa pagkakataong yun, nadismaya si Melvin kaya nag pasyang umuwi na lang.

IMG_4218IMG_4217

Kaming tatlo na lang natira,0515 na wala pa rin yung dalawang hinihintay namin,kaya nag pihinga muna kami ng ilang minuto,0550 dumating din sila pero hindi kami nainip mag hintay,kaya pag dating nila inaya na naming agad na umalis na ang grupo.

Hindi na kami nag piktyuran pa,kasi hindi kami nag mamadali,

0630 nasa Baliwag kami ng sumenyas si Demboy na mag gas muna siya

IMG_4219

Ilang minuto tinagal namin,alis na ulit ang grupo.

0730 nasa Gapan Nueva ecija na kami,si Brian naman ang sumenyas na mag gas.

IMG_4222

IMG_4221

0740 alis na ulit ang grupo papuntang Sta.Rosa,Nueva Ecija at tulad ng nasa IT ng rides,dun kami mag aalmusal,dito kami unang huminto.

IMG_4223

Hindi nagustuhan ni Demboy yung pagkain kaya nag pasya kami na lumipat ng ibang makakainan at dito kami napadpad.

IMG_4227

IMG_4224

Natakam kasi kami agad ng lechon,lalo na si Brian na hindi naman halata sa piktyur na gusto na sunggaban agad.

Sinagot ni Salleh at Demboy yung lechon, kasi bago lang sila sa long rides…

Habang tinatadtad yung lechon,umoder pa kami ng ibang pagkain,pero si El Turero itong naka dilaw yata gusto orderin.

IMG_4225IMG_4226

Pagka tapos naming mag almusal alis na kami ng 0820 para makuha namin yung oras na target namin, Kaya hindi kami nag namadali kahit long stretch ang kalsada papuntang Fort Magsaysay.

IMG_4228IMG_4230

Pag dating namin ng Fort Magsaysay Ark, piktyuran muna kami para may patunay naman.

IMG_4231IMG_4232

Take off na ulit kami pag kuha ng ilang shots.

Napaka pamilyar sa amin ni COY itong kurbada na ito,dito nya sinalya yung isang kasama ko nung umattend kami ng kasalan sa Bongabon.

IMG_4234

Naisip ko tuloy kung nakasama kaya siya,sino kaya isasalya niya sa amin..

Hindi yan alam ng mga kasama ko kaya tuloy lang sila sa rides

Pagdating namin ng Laur,sumenyas si Demboy na mag gas siya kay hinto muna kami sa unang gas station na madadaanan namin at shoot ng piktyur.

IMG_4254IMG_4255

0930 touch down kami sa Dingalan Port.

IMG_4346IMG_4332

Tuluyan naming nilinisan ang isang magandang lugar na aming sinadya para maka pag pawi ng pagod at maka langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa bundok at karagatan..

1230 kami naka rating ng Gapan,sa WalterMart ang napagka sunduan namin na mag tanghalian at meron daw kung anong bagay na bibilhin itong aming pasimuno.

Habang kumakain kami,ditto na binunyag ng apat ang pinag uusapan nila sa pier kanina at yun ay ang pagkaisahan ang si Melvin..

IMG_4358

At dito pala sa Gapan,Walter Mart bawal ang walang helmet pag rider ka,kahit sa pagkain mo kailangan naka helmet ka

IMG_4359

At meron din akong natuklasan,may taglay pa lang kakatihan ng kamay isa naming kasama sa ride. Ito po mga kapuso..,kitang kita ang kalikotan ng kamay ng mamang ito ohh..

IMG_4363

1345 na kami naka alis ng Gapan,medyo malayo layo na rin binabay-bay naming ng sumenyas si Brian sa akin sa parte ng San Miguel,flat daw gulong niya sa harap.Kaya humnito muna kami para magpa vulcanize,ang bilis talaga ng karma,yan resulta ng bateryang dekwat gulong sa harap flat.

IMG_4364

Medyo natagalan ng konti ang pag vulcanize kaya mga bandang 1530 na kami naka alis ng San Miguel.

Sa parteng Pulilan kami inabutan ng ulan,sumenyas si Demboy na huminto muna,nung naka hinto na kaming lahat kaya pala mga tuwang tuwa dininig daw panalangin nila na umalan sana dahil alam nila wala ako kapote.

Sa tuwa ko dahil ako lang walang kapote,binilisan ko na lang at hinintay ko sila alternate route sa Bocaue hanggang maka balik ulit sa Mc Arthur Hi-way 1615,sa Phoenix na ako humiwalay sa kanila.

Touchdown ako ng 1625 sa selda ko.

Sila Brian, RealRacer, Demboy at salleh bandang 1800-1830 na nag text ng TD.

Total of 335 kms. Back and fort
Total of 9 liters of gas based on CBR consumption
Meals: 220 breakfast and lunch

ATTENDEES:
RealRacer
Brian
Salleh
Demboy
CBR74

Leave a Reply